Pasko, Paksiw, Pasko, Paksiw
Maging dito sa gitnang silangan
Maging dito sa gitnang silangan
Simoy Pasko'y umaabot bagama't di pinagdiriwang
Sa mall ang dekorasyon ay puno ng kasiyahan
At may galak ang ngiti ng bawat tao sa daan.
Simbolo ng Pasko, ngayon ay mabibili na
Christmas tree at si Santa, nakahilera sa kalsada
At dumarami na rin ang Belen na tinitinda
Ibang iba na mula noong ako ay bagong salta.
Ano nga bang nangyari at ngayon ay puede na?
Sa bansang Islam ang relihiyong kinikilala,
Dati rati ay isang simpleng araw na Kristiyano lang ang nagsasaya
Ngayon buong Dubai, naka Christmas decor na...
Simpleng sagot, malaki kasi ang kita.
Mabenta ang paninda, kahit pa inutang lang ang pera
Makapag-shopping lang at makapag-regalo ng maganda.
Nakakapanlumo pero parang ganun na talaga...
Simpleng sagot, malaki kasi ang kita.
Mabenta ang paninda, kahit pa inutang lang ang pera
Makapag-shopping lang at makapag-regalo ng maganda.
Nakakapanlumo pero parang ganun na talaga...
Sa Pilipinas ang Pasko ay isang piyestang bonggang-bongga
Longest Christmas season nga kung tagurian ng iba
Palamuti at pangregalo, naguumapaw na paninda
Umaga't gabi ang shopping, maging sa mall o bangketa.
Sa ganda ng regalo at suot ang damit na bago
Nawa'y di malimutan ang May-birthday sa araw na ito
Ang dahilan ng okasyon ay hindi ang bagong damit o relo
Hindi rin ang sobre at aginaldong bigay ni ninong ngayon Pasko.
Huwag sanang matabunan ng malalaking regalo
Ang totoong nangyari noong unang Pasko...
Isang pag-big na wagas mula sa Amang Lumikha
Inalay ang Bugtong na Anak upang tayong lahat ay maligtas...
-
-
No comments:
Post a Comment