April 13, 2015

Bugok














Silang mga di na nagsawa sa gulo ng mundo
Mga taong paulit ulit ang pagkuha ng batong pinukpok sa ulo
Animo'y di na nadala sa lahat ng bukol na napala
Wari'y sadistang hinahanap hanap ang sakit at mga pasa. 

Ano nga ba't tila nakaka adik ang buhay na pakawala
Yung walang patutunguhan, walang mapapala
Pero panay ang andar kahit walang paroroonan
Paikot ikot lang sa daan ng kawalan. 

Bugok kung tawagin
Tumandang walang pinagkatadaan 
Buhay alamang 
Nagpa-anod sa kawalan... 

Bato bato sa langit, ang tamaan magbago na...
Kung sawa ka na sa buhay na kung tagurian ay walang kwenta
Marahil dapat lang na mag isip isip
Upang buhay ay maituwid

Habang may buhay may pag-asa
Pero wag lamang umasa
Samahan ng sikap at tiyaga
Upang buhay ay umalwa... 

2 comments:

Unknown said...

would you be able to put a translator on the page? I would love to read your posts as we have very similar interests but I speak English x

KALI said...

Hello! Thank you for your note... I added the translator but the translations were weird :)

Kali

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...