Nakakaloko na nga ang mga tatakbo ngayong Mayo
Kanina lang nabasa ko, doon sa peryodiko
Nanay ng kandidato, nag emote sa mga tao;
Pinagtatanggol daw ang anak, maawa naman kayo...
Eto ang --> link, kung di mo pa nabasa,
Nanay ni Villar, umiyak sa masa!
Hindi daw sinungaling ang mabait na anak nya...
Galing daw talaga sila sa hirap, maniwala ka,
Dating walang pera, umasenso lang talaga!!!
Buhay nga naman kasi, ay parang gulong
Mga dating mahirap, mayaman na ngayon...
Sa dami ng pera, lupain at kumpanya,
Anak ng tindera, napakasipag ata talaga!
Isang huwaran sana kung patas lang lumaban
Sa hamon ng buhay ano bang katotohanan?
Di na bago sa atin ang mahirap na yumaman
Pero ang tanong ng bayan, kailangan ng kasagutan...
Paano nga bang lumawak ang lupa?
Sa sipag at tyaga o sa kapangyarihang tinamasa?
Madali lang maniwala na marami ang kinita,
Ang tanong, legal ba at naging patas ang negosyo niya?
Nasadlak na tayo sa sandamakmak na utang
Lugmok na ang bayan sa lahat ng kasamaan
Gobyernong kasalukuyan, walang ginawa kungdi ang mangamkam
Ang susunod bang uupo? josko naman... walang sawang katiwalian!
Gamitan ng pamilya, un ang sabi ng ate nya na pangalan din ay Gloria...
Ung kalaban nga daw nila, patay na ang ina, pero lagi pa ring binabalandra...
Ngayon daw nagsalita ang ina nila, bakit daw iba ang kahulugan
Pinagtatanggol lang daw ang anak nya, na ngayon ay napagtutulungan ng media!
Hindi ko alam kung anong klaseng kampanya
Anong istratehiya campaign manager nila...
May mali nga ba sa atake o sadyang ganun talaga,
Lahat kasi ng sabihin, parang balik suka...
Pero malamang, wala ng maisip pa
Para malinis ang pangalan at mabola ang taong bayan...
Sa lahat ng paninira lalo lang nagpapalala
Ang tandem nila, naku talagang kawawa!!!
Sa dami ng pera, ibinuhos sa kampanya
Ano nga bang kapalit, magsisilbi daw sa bayang sinisinta?
Ang taong bayan, di na matitinag pa
Ang kampong Villaroyo, tama na, sobra na, magtigil na!!!
No comments:
Post a Comment