Bakit nga ba tila di na talaga uubra...
Na matapos ang bilangan ng walang kontrobersya?
Samu't saring storya ng dayaan at pagmamanipula
Kawawang Pilipinas wala na nga atang pag-asa...
Kabi-kabila ngayon ang mga imbetigasyon,
Mali-mali daw na bilang, hinahapan ng solusyon...
Dagdag-bawas sa eleksyon, uso pa rin hanggang ngayon,
Yan ang sabi ni Koala Boy na may sariling computation!
Hanggang saan na naman aabot ang pagdinig sa dayaan?
Hindi na ba matitigil ang pagsigaw ng katarungan?
Wala na bang eleksyon na magiging patas ang labanan?
Hindi na nga ba tayo magiging tapat sa ating inang bayan?
Dapat nga bang kabahan na naman ang mamamayan?
Sa kabila ng inakalang tagumpay, ngayon heto na naman...
Di na naubos ang gusot ng bilangan...
Kelan nga ba malilinis ang halalan sa ating bayan?
Maikling panahon na lang kung tutuusin
Pero ang bawat minuto ay nagiging malagim...
Patuloy tayong mag-matyag at maging matiisin,
Hanggang sa mapansin ang ating hinaing.
No comments:
Post a Comment