Showing posts with label Maguindanao Masaker. Show all posts
Showing posts with label Maguindanao Masaker. Show all posts
November 25, 2010
Babang Luksa
'Sang taon na ang lumipas, marami na ang naganap
Ngunit ang katarungan, wala pa rin sa hinagap...
Mahirap bang patunayan o sadyang mailap ang katotohanan
Mga buhay na tinabunan, ililibing na lang ba sa nakaraan?
Hanggang ngayon nga ba ay mabagal pa rin ang usad...
Hustiya sa ating bansa, bakit nga ba sadyang kay kupad?
Pamilyang namatayan, humihingi ng katarungan
Pero san at kanino nga ba ito makakamtam?
Sa araw gabing hinagpis ng mga pamilyang naiwan
Wala na ata sa katwiran ang matagal na diskusyunan
Lahat ng ebidensya, nailatag na sa harapan
Ang mga larawang nakunan, wala rin bang kabuluhan?
Limampu't pitong tao, tinangkang burahin sa mundo
Saksi ang lahat, ang krimen ay planado
Bakit hanggang ngayon, wala pa ring nananalo?
Tapos na ang babang luksa, di pa rin madesisyunan ng husgado...
Labels:
Buhay,
Katarungan,
Katotohanan,
Maguindanao Masaker,
Tula
April 24, 2010
Utang na Loob
Katatapos ko lamang manood ng balita...
at tulad din ng kahapon, wala pa rin akong nakitang kaaya-aya.
Patayan, aksidente sa daan, protesta at siraan;
Ano nga bang bago, sa bayan nating napag iwanan?
Dalawang Ampatuan, ngayon pinawalan
Hindi daw kasali sa naganap na patayan!
Maski yata batang paslit na naroon sa palaruan,
Hindi matatanggap ang naging hatol ng bagong kalihim na pinili ng Malacanang.
Tuluyan na nga bang napiringan ang hustisya?
Kilala pa ba ang katarungan sa ating bansang sinisinta?
Hanggang kelan ba tayo payag na magpadala;
Sa pangulong daig pa ang buwaya sa pagkagahaman sa kapangyarihan at pera.
Sa daming buhay na nawalang parang bula...
Sa bawat pangarap na tinabunan ng walang awa;
Nakakatulog pa kaya ang mga taong may gawa
Karumal - dumal na krimen, ngayo'y nababalewala.
Utang na loob, isang ugaling Pilipino;
Ngayon ay gamit na gamit sa ating gobyerno.
Kaya nga ba lahat ng suporta, binibigay sa pangulo,
Tiyak kasing may balik naman ito, paniguradong walang talo!
Sana nga lang, magising na ang mga tao;
Bago pa tuluyang burahin ang katarungan at mabayaran ang prinsipyo;
Nawa'y maging mapagmatyag pa ang mga Pilipino,
At huwag na padala sa huwad na gobyerno.

Phil. Government,
Tula
Subscribe to:
Posts (Atom)